Abante Tonite Interactive

Bagets kritikal sa saksak ng adik

By
10

Agaw-buhay ang 19-anyos na estudyante matapos na walang habas na pagsasaksakin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na umano’y bangag sa ipi­nagbabawal na gamot sa Lungsod ng Navotas kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng ­Navotas City Police Homicide Unit partikular na nina PO3 Philip Edgar Valera at PO1 June Paulo Apellido ay ganap umanong alas-3:30 ng madaling-­araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Dalagang Bukid Street, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Naglalakad ­umano ang biktimang si Albert Tulanag na residente ng Barangay Sipac ­Almacen sa nasabing kalsada nang big­lang sunggaban ng ­hindi pa naki­kilalang suspek na ayon sa mga residente sa lugar ay adik at halatang bangag na naman sa ba­wal na gamot.

Walang anu-anong­ ­bigla na lamang umanong pinagsasaksak ng ­suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang walang kadahi-dahilan.

Agad namang sumaklolo ang mga residente sa lugar na nakakita sa insidente na hindi pa agad nakalapit sa biktima matapos mang-amba ng patalim ang suspek bago tuluyang tumakas nang dumami na ang tao.

Agad namang naisu­god sa Pagamutang Ba­yan ng Malabon ang biktima.