Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagets mulat kesa kay ate

0 617

Malaki ang pagkakaiba ng dalawang magkadugong babaeng personalidad. Pareho silang matalino pero lumalabas na mas mulat ang isa sa kanila.

Komento ng isang source, “Mas aware ‘yung mas nakababata kesa sa ate niya. Palibhasa, namulat siya sa kapaligirang ginagalawan ng tatay niya.

“‘Yung ate kasi, maagang napahiwalay sa pamilya nila, kaya kung mag-post, tungkol lang sa sarili niya at sa lovelife niya.

“E, ‘yung mas nakababata, nakikilahok talaga siya sa malalalim na issue ng bayan. Wala siyang inuurungan! Wala siyang pakialam kung pakainin man siya ng ampalaya ng mga bashers!

“Lumalabas siya, mulat na mulat, siya ang nakikita naming susunod sa yapak ng father niya,” pahayag ng aming kausap.

Pinagkukumpara ang magkapatid sa pisikal nilang anyo, malayo raw ang itsura ni ate kesa sa mas bata nitong kapatid, pinagpipistahan sila sa social media.

Sabi naman ng isang source, “Pareho silang maganda sa kani-kanilang katangian. Sa biglang tingin, e, mas maganda talaga si ate, pero kung tititigan mo si bagets na mas bata, iba rin ang ganda niya!

“Pinay na Pinay siya, ganu’n ang mga tipong ipinanglalaban sa beauty contest! Panalo siya kapag pinlano niyang mag-join dahil matalino na siya, maganda pa!

“Magkaiba sila ng kapaligirang nilakihan, hindi sila puwedeng maging magkaplakado, sa totoo lang! May matinding social consciousness ang bagets, sosyal naman ang ate niya! It’s a tie lang!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

ABS-CBN 2 mas lalong pinilay

Martes nang gabi ay nakatanggap kami ng text mula sa isang kaibigan, “Tuluyan nang pinilay ang ABS-CBN. Wala nang Jeepney TV, Yey, KBO, Asianovela at Teleradyo sa TV Plus.

“Ang natira na lang, GMA-7, News TV, TV5, One PH at CNN. Talagang ipinasarado na. Nakakalungkot naman,” eksaktong text ng aming kaibigan.

‘Yun ang resulta ng pangunguwestiyon ng mga kongresista kung bakit pinayagan ng NTC na magsahimpapawid ang ABS-CBN sa Kapamilya Channel, TV Plus at Channel 43 samantalang nakikiangkas lang naman ang mga ‘yun sa napaso nang prangkisa ng ABS-CBN nu’ng Mayo 4 pa.

Talagang nakakalungkot ang senaryong ito. Ang tanging pag-asang pinanghahawakan ng mga artista at empleyado ng ipinasaradong network ay nawala pa.

Ano pa ang maaasahan nila ngayong ipinasarado na rin ang tanging paraan para maipalabas ang kanilang mga programa? Nagte-taping na ang mga serye ng Dos ngayon, kaltas man ang kanilang talent fee ay pumayag na rin ang kanilang mga manager, kesa naman sa wala silang trabaho.

Pero saan ‘yun ipalalabas? Paano sila mapapanood ng kanilang mga tagasuporta? (Bukas pa raw ang Kapamilya Channel sa cable-ED) Pilay na ay mas pinilay pa ngayon ang ABS-CBN.

At ang mas matinding bangungot na lumiligalig ngayon sa mga empleyado ng ipinasaradong network ay ang napipintong retrenchment. Sa susunod na buwan ay kailangang gawin ng network ang pagbabawas ng kanilang mga empleyado.

Mula nu’ng ipasarado ang istasyon ay nalulugi na sila nang tatlumpu’t limang milyon kada araw. hulyo na ngayon, pero wala pang milagrong nagaganap sa prangkisang ipinaglalaban nila, kaya masakit man sa kalooban ay kailangan na nilang magbawas ng kanilang mga empleyado.

Pinakamalaking istasyon ang ABS-CBN, armado sila ng mga sikat na artista, ng mga kagamitang teknikal na wala ang ibang istasyon pero meron bang nag-isip na ganito katindi ang problemang maeengkuwentro nila?

Nakakalungkot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.