Abante Tonite Interactive

Bagitong mambabatas, pork agad ang hanap

728

Hindi pa man pormal na nakakaupo sa bagong trabaho, naka­tutok na agad ang isang lady solon sa maimpluwensiya at mape­rang komite.

Sa nasabing komite kasi dumadaan ang taunang panukalang budget ng pamahalaan.

Dito rin tinatrabaho ang pork barrel fund na siyang source ng pinagkakakitaan ng mga mambabatas dahil sa nakukuhang kickback sa mga proyekto.

Sabi ng bagitong mambabatas, gusto daw niyang pamunuan ang nasabing komite upang marami siyang matulungan na kababayan.

Tiyak na kukuyugin ang mambabatas sa natipuhang komite lalo pa’t may isyu ng katiwalian sa kanya.

Clue: Ang bagi­tong mambabatas na pork agad ang hanap ay palaging nakangiti at may letrang M sa pangalan, as in Mayaman.