Abante Tonite Interactive

Bagman pahiya sa mambabatas

343

Nagpahayag ng ma­tinding pagkadismaya ang isang mambabatas makaraang tangkaing suhulan ng isang kompanya para aprubahan ang hinihinging kontrata sa gobyerno.

Nagtataka ang mam­babatas kung bakit may mga taong sadyang malalakas ang loob na kahit alam naman nilang well guarded ang tanggapan ng pamahalaan ay hindi pa rin nahihiya ang mga ito na magbitbit ng malaking halaga ng pera para magsilbing padulas.

Tila hindi rin daw epektibo sa mga nagtatangkang manuhol ang pagiging anti corrupt ng solon dahil pilit pa rin itong inalok.

Ang siste, napahiya tuloy ang pobreng napag-utusan at pina­balik ng solon sa kanyang amo ang pinadadalang suhol.

Hindi naman nakuntento ang ating bida at tinawagan ang amo ng bagman upang tiyaking ibinalik ang pera.

Clue: Ang ating bida na popular at palaging may nakakaalitan dahil sa kanyang pagiging palaban sa katiwalian ay may letrang G sa kanyang palayaw as in Good Looking.