Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bago magretiro: Abueva bet makalaro si Pingris

0 245

May isang wish pa si Calvin Abueva sa pagsampa sa Magnolia Hotshots– makasama sa laro si Marc Pingris bago tuluyang isabit ni Ping ang sneakers at jersey.

Angkla ng depensa ang Pinoy Sakuragi at The Beast sa Gilas Pilipinas noon.

Noong isang linggo, nalipat sa Hotshots si Abueva mula Phoenix kapalit ni Chris Banchero.

Sumasailalim pa si Pingris sa rehabilitasyon mula injury, nakabitin pa kung maglalaro ng kanyang final season.

“Sana nga magkasama kami rito (Magnolia) kahit one season lang bago siya mag-retire,” pahayag ni Abueva sa PBA website nitong Lunes. “’Yun ang wish ko.”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Hindi pa aniya nagtatagpo ang dalawa sa workouts ng Hotshots, pero nagkakapalitan naman ng mensahe.

“Sabi niya, ‘Ayusin mo ‘yan. It’s a big opportunity na and’yan ka. Huwag mo nang pakawalan,’” dagdag ni Abueva.

Binigyan ng management si Pingris ng hanggang March 20 para magdesisyon kung magre-retiro na o maglalaro pa.

Gusto niya pa ng isang season finale at umaasang pasabog ang exit, pero oobserbahan kung kaya pa ng 39-year-old na katawan.

Sa April 9 ang 46th PBA Philippine Cup 2021 opening tapos ng virtual 36th Draft sa March 14. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.