Abante Tonite Interactive

BAGONG BASTE

By
24

BHUKET waging-wagi na naman sa Kantar Media ratings last weekend ang Little Big Shots?

Eh kasi nga, swak na swak sa mga tsikiting ang host nito na si Billy Crawford!

***

BHUKET hindi puno ang mga upuan sa concert ng TRIPLETS na sina Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz?

Akala pa naman ng mga tao ay superstars sila ng kanilang generation?

***

BHUKET parang may sariling mundo si Sheryl Cruz sa kanyang pagkanta man o choreography?

Bhuket may tsikang imbiyerna sa kanya si Tina Paner?

***

BHUKET sinasabing si John Lloyd Cruz na ang bagong Baste Duterte sa buhay ni Ellen Adarna?

Hindi bagay kay Lloydie na mag-tattoo!

***

BHUKET maraming nagsa-suggest na bagay mag-endorso ng LPG si John Lloyd?

Tweet ni Ethel Booba with matching picture ni John Lloyd sa tabi ng LPG:

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagkabilang ko sampu nakatago na kayo. 1 2 3 4 5 6 7 8 9……… 10. Charot!”

***

BHUKET parang hindi na-proofread ang album dedication ni Jamie Rivera na Hey, It’s Me?
Puwede pang naa­yos ito — katulad ng lyrics ng iba niyang mga kanta.

***

BHUKET hindi mas­yadong napag-uusapan ni Jamie ang kanyang asawa?

Ang anak niya ang lagi niyang binabanggit, at walang mention ng kanyang dyowa!

***

BHUKET nakuntento na si Carmina Villaroel sa pagge-guest na lang sa teleserye ng GMA 7?
Hindi ba siya ni-renew as exclusive artist ng ABS-CBN?