Abante Tonite Interactive

Bagong batas sa mga towing company ilalabas ng MMDA

By
310

Planong magpalabas ng bagong panuntunan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga accredited na towing company ng ahensiya upang maiwasan at hindi na maulit ang mga pangingikil sa mga nahahatak na sasakyan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, ang planong pagpapalabas ng bagong guidelines ay bunsod ng pagkakadakip sa 10 tauhan ng Bernadine Transport at NJP Towing nitong nakaraang linggo matapos ireklamo ng pa­ngingikil ng ilang ­driver ng truck na kanilang mga hinahatak.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA Special Task Force Operations head, kailangan aniyang mag-draft ng pani­bagong guidelines ang ahensiya para sa accreditation ng towing companies, na hindi nila alam kung dumaan sa screening ang crew nito.

Ayon kay MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, nakasaad sa draft resolution sa bagong panuntunan na inoobliga na ang lahat ng towing service operator sa Metro Manila na kumuha ng accreditation mula sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tiyakin kung ang mga tow truck nila ay roadworthy.