Abante Tonite Interactive

Bagong biktima ng pang-aabuso ni R.Kelly lumitaw

471

Humaharap na sa trial ang singer na si R.Kelly sa kasong sexual abuse, child pornography, kidnapping at obstruction of justice. May bago na namang na-identify na biktima ang korte ng Chicago nitong Biyernes, February 14.

Ang kaso ay naka-file sa US District Court sa Chicago.Nangyari umano ang sexual acts sa bagong biktima noong siya’y 14-15 taong gulang.

Bunga ng kanyang bagong kaso, ang assets ng production company ni R.Kelly at ang firm ng kanyang manager na si Derrel McDavid ay ipo-forfeit.

Ayon naman sa defense lawyer ng singer sa Twitter, “We are aware of the superseding indictment. We continue to fight for him and look forward to the day he is free #notguilty #rkelly.”

Samantala, bago lumabas ang bagong biktima ay hinatulan siya ng “not guilty” sa lahat ng kasong isinampa sa kanya sa New York, Illinois at Chicago.

Halos dalawang dekada na rin nagsimula ang mga alegasyon ng sexual abuse laban sa kanya. Idinetalye pa ito sa Lifetime documentary ng singer na “Surviving R. Kelly” noong January, 2019. (Ronaline Avecilla)