Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong city hall underpass bubuksan ngayong Hulyo

0 417

Bubuksan na anumang araw ngayong buwan sa publiko ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang bagong City Hall underpass.

Nabatid na ang bubuksan na bagong City Hall underpass ay kumpleto mula sa pagkakaroon ng round-the-clock security personnel na titiyak sa kaligtasan ng mga taong daraan sa lugar, at mayroon pang digital information desk na gagabay naman sa mga lokal at turista sa kanilang direksyon sa destinasyon na kanilang patutunguhan sa lungsod.

Tiniyak ni Moreno, sa sandaling matapos ang renobasyon ay isang bagong anyong underpass ang makikita ng mga Manilenyo, na malayo sa pangit at sira-sirang underpass noon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.