Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong Comelec exec hinarang sa SALN

0 427

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni Davao del Norte provincial election supervisor Aimee Ferolino Ampoloquio bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec) hangga’t hindi nito naisusumite ang dokumento at masagot ang mga katanungan tungkol sa asset ng kanyang asawa.

Isinulong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magtakda ng panibagong pagdinig kay Ampoloquio para maibigay ng election veteran mula sa Davao ang dokumento na magdedetalye sa asset ng kanyang asawa na may negosyo ng bigas at mais.

Sinubukang harangin ni Senador Francis Tolentino ang mosyon ni Drilon kung saan sinabi nito na ang dokumento sa asset ng asawa ni Ampoloquio ay hindi naman kasama sa requirement na tinatanong sa mga opisyal ng gobyerno na hinaharap sa komisyon.

Pero nilinaw ni Drilon na ang commissioner na mismo ang nagboluntaryo na isumite ang naturang dokumento para masagot nito ang mga katanungan sa negosyo ng kanyang asawa.

“The question that we raised is to test the validity of the SALN [Statement of Assets, Liabilities and Net Worth],” sabi ni Drilon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.