Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong commander ng JTF COVID Shield pinaupo

0 309

Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Debold Sinas kahapon si Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz bilang bagong commander ng Joint Task Force (JTF) Covid Shield.

Ang pagtatalaga kay Vera Cruz ay kasunod ng pagreretiro ni Police Lt. General Cesar Hawthorne Binag sa Abril 24.

Kahapon nagsimulang umupo bilang JTF-Covid Shield commander si Vera Cruz matapos maghain ng Non Duty Status o NDS si Binag.

Dahil dito, tiniyak ni Sinas na ipagpapatuloy ni Vera Cruz ang mga gampanin ng JTF COVID 19 Shield Commander sa pagpapatupad ng mga Health at Safety protocols gayundin ang seguridad sa nagpapatuloy na pagbabakuna. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.