Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong Covid case higit 2k

0 249

Nakapagtala ng mahigit 2,000 mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection sa Pilipinas nitong Linggo, Hulyo 5.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), sumirit sa 2,434 ang kumpirmadong kaso ng COVID, na pinakamataas na single day case sa bansa.

Dahil dito umakyat na sa 44,254 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa mga bagong kaso, 1,147 ang tinuturing na fresh case, habang 1,287 naman ang late case.

Paliwanag ng DOH, posibleng dahil sa pagluwag ng community quarantine kaya umakyat ang bilang ng mga COVID-19 infected.

“As the country continues to ease community quarantine measures, the rise in the number of cases today may be attributed to the increased contact among the population,” pahayag ng DOH.

Samantala, 11,942 naman ang nakarekober matapos na makapagtala ng 489 na mga bagong gumaling sa COVID-19.

Habang pito naman ang dagdag sa death toll na abot na sa 1,297. (Ray Mark Patriarca/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.