Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong COVID case lampas 1K na lang

0 231

Bumaba pa ang bilang ng mga bagong COVID-19 case na naitala sa buong bansa, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon ng hapon, Nobyembre 3.

Mula sa 2,303 bagong kaso na naitala noong Martes, Nobyembre 2, bumaba pa ito at nakapagtala lamang ng 1,591 kahapon.

Mataas ito ng kaunti sa 1,557 kaso na naitala noong Pebrero 24 ngayong taon.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 599, umabot na sa 2,793,898 ang kabuuang kaso ng nadale ng coronavirus case sa bansa dahil sa nadagdag na 1,591.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.4% na lamang o 38,014 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

SM food to go Banner Ad

Mayroon namang 4,294 na mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 2,712,298 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus infection.

Nakapagtala naman ng 186 bagong namatay kung kaya’t pumelo na sa 43,586 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pandemya ng coronavirus sa bansa.

Samantala, iniulat rin ng DOH na mayroong 349 duplicate ang inalis sa total case count, kabilang dito ang 330 nakarekober at apat na nasawi.

Nasa 132 pasyente na unang tinukoy na nakarekober ang na-validate na binawian pala ng buhay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.