Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong COVID case sapaw sa 23K gumaling

0 110

Nakapagtala ng 23,483 pasyente na nakarekober sa coronavirus habang 199 ang karagdagang bilang ng mga nasawi, batay sa mga pumasok na datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro kahapon ng hapon, Oktubre 1.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 556, nasa 15,566 naman ang mga bagong kaso kaya umabot na sa 2,565,487 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa bansa.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa buong bansa, 5.1% (130,268) ang aktibo, 93.4% (2,396,726) na ang gumaling at 1.50% (38,493) ang nasawi.

May 45 duplicate case ang inalis sa kabuuang bilang kung saan 33 sa mga ito ang nakarekober.

Nabatid pa na 102 kaso na unang sinabi na gumaling ay binago ang klasipikasyon dahil nalaman na nasawi pala ang mga ito sa pinal na validation.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.