Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong COVID posibleng nakapasok na sa PH

0 85

Naniniwala ang OCTA Research group na nakapasok na sa Pilipinas ang bagong COVID19 variant na nagmula sa United Kingdom(UK).

Sinabi ni Guido David, Director ng OCTA research group na hindi lamang ito ma-detect dahil wala pang ginawang genome sequencing sa bansa nitong nakaraang buwan.

Ayon kay David , may posibilidad na ang UK variant ng coronavirus ang dahilan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong Disyembre.

Gayunman, nilinaw ni David na hindi pa ito tiyak hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng genome sequencing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa mga eksperto ang bagong variant ng COVID-19 ay mas madaling kumalat kaya maraming bansa ang nagpatupad ng travel ban sa mga pasahero na galing sa UK.

Sinabi naman ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na posibleng ngayong linggo malaman kung meron na nga sa Pilipinas ng bagong variant.

“Hopefully by Wednesday or Thursday this week we can get the results already of these passengers (arriving from abroad) that were swabbed,” ayon kay Vergeire.

Kasama umano sa mga sample na sinuri ay mula sa mga pasyente noong Nobyembre at Disymebre.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.