Abante Tonite Interactive

Bagong Darna tiniliang ‘the who?’ Barbie game na kontrabida ni Jane

856

Ni Allan Diones

“Ang ganda niya! Bagay sa kanya!”
‘Yun ang reaksyon ni Barbie Imperial sa pagkakapili sa kapwa niya Star Magic artist na si Jane de Leon bilang bagong Narda/Darna. Ito’y sa millennial “Darna” movie na gagawin ng Star Cinema.

Kung may mga ibang nagtaas ng kilay at tumili ng “The who?!” sa pagkakapili kay Jane bilang kapalit ng nag-backout na si Liza Soberano, si Barbie ay natuwa para sa dalaga at ang nasabi niya ay, “Ang suwerte niya! Dapat galingan niya!”

Ka-bonding namin si Barbie dito sa San Vicente, Palawan at naging part kami ng inaugural flight ng SkyJet Airlines direct from Manila to San Vicente nu’ng Tuesday, July 16.

Gaya ng new Darna na si Jane ay 20-anyos din si Barbie kaya nabanggit niyang gusto niyang maging kontrabida rito at gumanap bilang si Valentina.
Nabanggit ni Barbie in our past interview na nag-audition siya for the Darna role pero alam daw niyang hindi siya mapipili dahil maputi siya at ang Darna na hinahanap ay morena, so bet na lang niyang maging kontrabida nito.

Gustong mag-aksyon ni Barbie at matutupad ang pangarap niyang ‘yon sa ginagawa niya ngayong iWant original movie na makakasama niya si Elisse Joson.

Ang critically-acclaimed indie filmmaker na si Jerrold Tarog ang magdidirehe ng millennial “Darna” movie matapos magbitaw sa proyekto ang dapat sanang magdidirek nito na si Erik Matti.