Abante Tonite Interactive

Bagong dyowa ni Clint hawig kay Catriona

494

Ni: Ronaline Avecilla

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang tapusin ni Clint Bondad at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanilang 6 years relationship. At ngayon, mukhang may bago nang napupusuan ang actor-model.

Sa kanyang latest IG post, ibinahagi niya ang larawan kasama ang isang magandang babae.

“Pretty eyes tell the best stories,” caption ng post ni Clint.

Hindi naman sigurado kung may relasyon na nga ba ang dalawa. Hinala naman ng mga netizen na baka front act lamang ito ni Clint dahil nali-link ang kanyang ex-girlfriend sa La Salle player na si Jordan Bartlett.

Komento ng mga netizen, “Grabe talaga tong isang to. Gawa pa ng ingay more para mapansin. Riding on the issue of Cat. Kailangan sya din may picture with a girl para pagusapan naman sya? Kuya, wag ka na. Kahit anong gawin mo, di mo maaabot ang kasikatan ng ex mong Miss U.”

“Parang lagi syang may pinapatunayan noh?”

May mga nagsasabi pa nga na malaki ang pagkakahawig ng hindi pinangalanang girl kay Miss U Catriona.