Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong ebidensya ihahain sa piskal ng PNP

0 109

Magdadagdag ng panibagong ebidensya ang Philippine National Police (PNP) sa Makati City prosecutors office ngayong Miyerkules sa pagpapatuloy ng preliminary investigation hinggil sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

“Tomorrow is 27. We will be submitting all available evidence. Sana lang ma-appreciate ng fiscal for finally filing the information against the suspects, pero kung wala naman definitely the case will be dismissed,” pahayag ni National Capital Region Police Office chief Police Major Gen. Vicente Danao, Jr, sa panayam ng reporters kahapon hinggil sa update ng Dacera case.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman idinetalye ni Danao ang sinasabi niyang tinatago nilang pasabog laban sa sangkot sa pagkamatay ng 23-anyos na dalaga. “We will reserve it na lang muna,” pahayag nito.

Ngayon ang second hearing ng kaso ni Dacera sa Makati City Prosecutors Office.

Si Dacera ay natagpuang walang malay sa bathtub ng City Garden Hotel sa Makati City na kanilang inokupa matapos ang New Year’s Eve party kasama ang mga kaibigan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.