Abante Tonite Interactive

Bagong gamot sa TB aprub sa USFDA

313

Aprubado ng United States Food and Drug Administration (USFDA) ang bagong gamot sa tuberculosis (TB) na ‘Pretomanid’ na kayang gamutin ang drug-resistant na sakit na TB.

Nabatid na ang Pretomanid ay isang novel compound na na-deve­lop ng isang non-profit organization TB Alliance.

Ang bagong gamot ay inaprubahan sa ilalim ng Limited Population Pathway for Antibacterial and Antifungal Drugs (LPAD pathway) bilang bahagi ng three-drug, six-month, all-oral regimen treatment ng mga taong may sakit na extensively drug-resistant TB (XDR-TB) o multidrug-resistant TB (MDR-TB).

Nabatid na ang LPAD pathway ay binuo ng FDA para makapanghikayat sa pag-develop ng antibacterial at antifungal drugs para ma­kagamot sa seryoso at nakakamatay na infectons.

“FDA approval of this treatment represents a victory for the people suffering from these highly drug-resistant forms of the world’s deadliest infectious disease,”ayon kay Mel Spigelman, MD, president at CEO ng TB Alliance. (Juliet de Loza-Cudia)