Abante Tonite Interactive

Bagong Gilas aprub ng SBP, Panlilio

By
1,187

Kuntento pa rin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa final 12 ni coach Yeng Guiao kahit wala si 7-footer Greg Slaughter.

Hindi pa gumagaling ang left ankle sprain ng Ginebra big man na nakuha sa huling laro sa PBA Governors Cup, nai-scratch siya sa final lineup na isasagupa kay Hamed Haddadi at sa Iran mamayang 8 pm sa Azady Gym sa Tehran.

“SBP is pleased with the roster that will play in Iran,” ani SBP president Al Panlilio.

Sina Christian Standhardinger, Asi Taulava, Beau Belga, Raymond Almazan, Ian Sangalang at Poy Erram ang magtutulong-tulong para pigilan si 7-foot-2 Haddadi.

Kukumpleto sa final 12 sina Scottie Thompson, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood at Allein Maliksi.

“We are praying that coach Yeng’s final 12 will be able to compete and beat the strong Iranian team,” dagdag ni Panlilio.

Bago tumulak pa-Tehran noong Lunes, sinabi ni Guiao na susubukan nilang idikit ang laban.

“I just want it to be a close match,” giit ng bagong national coach. “I just want it to be tight towards the end against a home crowd, against playing in their home turf.”

Sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, nasa Group F na ang Pilipinas (4-2) sa likod ng Iran (5-1) at Australia (5-1). Nasa ibaba nila ang Kazakhstan (3-3), Japan (2-4) at Qatar (2-4).

Sa Sept. 17 ay iho-host ng Pilipinas ang Qataris sa closed-door game sa Smart Araneta Coliseum.