Abante Tonite Interactive

Bagong gising na negosyante binoga

307

Nasawi ang isang negos­yanteng junkshop owner na kagigising pa lang makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanyang negosyo sa San Pablo City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Roberto Archeta y Ladera, 42-anyos.

Sa report ng San Pablo City police, kakagising pa lamang ng biktima at nakaupo ito sa loob ng junkshop sa Brgy. San Lucas 1 nang dumating ang suspek.

Kasunod noo’y bigla na lamang nagbunot ng maiksing baril ang salarin at malapitang binaril ang biktima na tinamaan sa ulo.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Blangko pa ang mga pulis sa motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)