Abante Tonite Interactive

Bagong kanta ni Zayn swak sa hiwalayan nila ni Gigi

By
191

Ang super model na si Gigi Hadid at ang dating miyembro ng One Direction na si Zayn Malik ay balitang naghiwalay na sa ikalawang pagkakataon. Kung matatandaan, ilang linggo na ring pinag-uusapan na on the rocks na ang relasyon nila ayon mismo sa balitang inilabas ng US Weekly. Pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring ibinibigay na kumpirmasyon sina Hadid at Malik tungkol sa pinag-uusapang hiwalayan nila. “They’re done,” ayon pa sa source ng US.

“They could get back together, but it’s over for now,” pagkukumpirma pa nito.

Wala pang malinaw na dahilan kung ano ang sanhi ng hiwalayan at kung kailan naganap pero ayon pa sa isang source, mukhang simula pa noong Nobyembre napansing mukhang dumidis­tansya na sila sa isa’t isa.

Abante Hiring – IT dep

“The reason for their split is also unknown,” ayon pa sa isang source.

“Gigi and Zayn didn’t breakup because they stopped loving each other, but rather because they just couldn’t make it work. Zayn is working on ‘personal things,’”ayon pa sa isang insider.

Kung matatandaan, una nang napabalitang naghiwalay sina Gigi at Malik noong March 2018 after ng almost two years nilang relasyon kung saan walang takot na ipinangalandakan sa social media ng dalawa na hiwalay na sila.

“I’m forever grateful for the love, time, and life lessons that Z and I shared,” sinabi pa ni Gigi. “I want nothing but the best for him and will continue to support him as a friend that I have immense respect and love for.”

Samantala, lumabas na rin ang bagong single ni Zayn na ‘Satisfaction.’ Reaction ng ilan, nagpapahiwatig daw ang kanta tungkol sa break-up.