Abante Tonite Interactive

Bagong karakter pasok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

By
4,717

May official statement ang head ng Integrated Corporate Communications ng ABS-CBN 2 na si Kane Errol Choa.

“Walang katotohanan sa haka-hakang nakatakda nang magtapos ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’ Patuloy na nae-enjoy ni Coco Martin at ng mga writer ng programa ang pagbuo ng mga bagong ideyang magdadagdag ng aliw, aksyon, at aral sa kuwento nito, pati na ang pakikipagtulungan nila sa buong cast at production team. Nananatili ring top-rater ang ‘FPJAP’ gabi-gabi, at maaasahan ng ating mga Kapamilya na magpapakilala pa ito ng mga bagong kuwento at karakter sa pagpasok ng serye sa ikatlong taon nito.”

Glydel, Alma, Maricel, Rochelle, Shyr walang sapawan

Walang inggitan at parang magkakapatid ang turingan ng mga Ageless Beauties ng Beautederm ni Ms. Rhea Ramos Anicoche Tan. Hitsurang bon­ding moment ang nangyari sa kanila sa isang isang pictorial. Ito’y binubuo nina Alma Concepcion, Maricel Morales, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda at Glydel Mercado. Wala sa vocabulary nila ang sapawan, ahasan at patalbugan kaya naman napagsama-sama sila.

Hawak ni Ms. Rhea ang beauty secret ng mga aktres na ito. Sey nga niya, “The best part of the art of living is to know how to grow old gracefully.”

Winelcome ni Ms. Rhea si Glydel bilang bahagi na ng Beautederm family.

Pero si Sylvia Sanchez pa rin ang Face of Beautederm. Ang iba pa niyang mga ambassador ay sina Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Jimwell Stevens at Darla Sauler.

‘Pag nagsama-sama ang mga ito ay super saya lang at spoiled sila. May bonding ulit sila sa July 22 sa panonood ng ‘Rak of Aegis’ sa PETA Theater Center.

Andi parang daga na nagtago sa London

Palabas na ngayon ang pelikulang ‘The Maid In London’ nina Andi Eigenmann, Matt Evans at Polo Rava­les.

Alamin kung bakit nagustuhan ni Andi na gawin ang pelikulang ito. Promising si direk Danni Ugali sa kanyang first directorial job.

Tinapos namin ito dahil sa magandang kuwento ng pelikula. Hindi namin tinayuan ang ‘The Maid In London’ dahil magaling sina Andi at Matt. Nag-enjoy rin kami sa magandang location nila sa London na kung saan ay 15 days na namalagi roon sina Andi, Alexis Navarro at Joshua de Guzman. Interesting ang mga eksena nila.

Nahabag kami sa pakikipagsapalaran ng mga OFW sa London lalo na ‘pag walang legal na papel sa pagtatrabaho. Maaawa ka sa role ni Andi na parang daga na nagtatago sa takot.

Sa dami ng unos na dumating sa karakter ni Andi sa pelikula gusto rin namin ‘yung happy ending­ na nangyari sa buhay niya. Mapapatunayan sa naturang movie na mapagbiro ang Tadhana pero minsan ay ituturo rin niya ang tamang direksyon para sa bagong umaga.

Rebelasyon din sa amin ang ‘friend’ ng London na si Alexis at si Joshua.

Malakas ang palakpakan ng mga manonood pagkatapos mapanood ang ‘The Maid In London’.

Talbog!