Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong kaso ng COVID bumaba sa 10K

0 247

Bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng COVID na naitala ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Martes, Agosto 17.

May 10,035 bagong kaso ng mga tinamaan ng coronavirus ang naitala batay sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 521. Mas mababa ito kumpara sa lampas 14,000 bagong kaso na naitala mula Agosto 15 hanggang noong Lunes, Agosto 16.

Nakapagtala rin ng 10,858 bagong nakarekober sa sakit habang 96 naman ang bagong nasawi.

SM food to go Banner Ad

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (105,787) ang aktibo, 92.3% (1,629,426) na ang gumaling at 1.73% (30,462) ang namatay.

Sa ngayon ay nasa 1,765,675 na ang kabuuang kaso ng COVID sa buong bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.