Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong kaso ng COVID halos 3K – DOH

0 96

Sumisirit ang COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng halos 3,000 bagong kaso nito batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Sabado ng hapon, Pebrero 27.

Ayon sa COVID-19 Case Bulletin No. 350, nasa 2,921 ang bagong kaso habang 293 ang bagong gumaling samantalang may 42 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Dahil dito, nasa 574,247 na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kabuuang aktibong kaso ay 37,093 samantalang 524,865 na ang mga gumaling at 12,289 lahat ang nasawi sa COVID-19.

Ang naitala na mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado ay pinakamataas umano sa nakalipas na apat na buwan. Ito rin ang pangatlong araw na lampas ng 2,000 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.