Abante Tonite Interactive

Bagong kaso ng polio nakumpirma sa Basilan

160

Nadagdagan na naman ng isa ang polio case matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang pangwalong kaso na naitala sa Basilan.

Ang pahayag ay ginawa ng DOH kasunod nang pag-arangkada ng ikalawang round ng Sabayang Patak Kontra Polio sa National Capital Region (NCR) at buong Mindanao.

Base sa ulat ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ng Nationa­l Institute of Infectious Diseases-Japan, nagpositibo rin sa polio ang isang siyam na taong gulang na batang babae na mula sa Basilan. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad