Abante Tonite Interactive

Bagong labas na Huawei smartphones, mawawalan ng access sa Google, Gmail

719

Maaring mawalan ng access ang mga bagong lalabas na Huawei smartphones sa Google Play Store, Maps, at Gmail dahil sa ban ng Estados Unidos sa kumpanya.

Kahapon ay tiniyak ng PLDT na magagamit pa rin ng mga nauna nang kumuha ng Huawei handsets at devices ang nasabing gadget.

“In light of the recent trade ban of the United States government on Huawei products, PLDT and Smart Communicatins Inc. wish to assure its customers who have availed of Huawei handsets and devices via its official channels that said products will continue to function normally on the PLDT-Smart network,” sabi ng PLDT.

Sinabi ng PLDT at Smart na patuloy silang makikipag-ugnayan sa Huawei para sagutin ang mga alinlangan ng kanilang mga customers tungkol sa mga software updates para sa mga Huawei phones, pocket Wifi units, at iba pang devices.

Sinabi naman ng Globe Telecom na nabalitaan na nilang kumakalas na ang ilang US tech companies sa anumang koneksyon nila sa Huawei.

“We have received assurance from Huawei that the company will continue to provide secu­rity updates and after sales services to device u­sers using the Globe network. We wish to assure our custo­mers that the current situation at Huawei will not impact its network services,” sabi ng Globe Telecom.

Kapwa sinabi ng PLDT-Smart at Globe na agad silang magbibigay ng update sa kanilang mga customers tungkol sa isyu pag may nakuha na silang bagong impormasyon.

Matatandaang noong 2018 ay na-ban sa US ang ZTE. Tinanggal lamang ni Trump ang ban pagkatapos ng tatlong buwan matapos magbayad ang kumpanya ng halos $2 bilyong multa. (Eileen Mencias)