Abante Tonite Interactive

Bagong lalaki ni Angelica hawig kay John Lloyd

703

Luma-love life na nga ba si Angelica Panganiban?

Natuwa ang fans ni Angge sa tila sweet na pic ng aktres kasama ang isang guwapong foreign guy.

Ang nasabing lalaki ay ang music artist na si Luckson at ito ang nag-post ng pic nila ni Angelica sa Instagram Story nito na may caption na, “Hugs are important.”

Kinilig ang netizens at na-happy para kay Angge dahil bukod sa guwaping ay foreigner nga ‘yung guy, so wala raw itong conflict sa showbiz.

May nag-comment na ito na raw ang pinaka-yummy ‘pag kinumpara sa lahat ng naging ex ni Angge, so sana ay ito na nga raw ang right guy for her.

Kaya raw pala extra blooming ang Kapamil-ya actress ngayon at kaya panay ang punta nito ng Amerika ay dahil may kinakatagpo ito roon.

Si Luckson ay isang hip hop/rap artist from Venice Beach, California. Meron itong tatlong albums na available for digital downloads.

Nagpa-follow-han sila ni Angelica sa Instagram at halos lahat ng pics ni Luckson ay nila-like ni Angge.

In fairness ay ‘yung guy ang unang nag-post, si Angge ay wala pang pinu-post sa IG na pic nilang dalawa.

Baka ‘pag siya na mismo ang nag-post, ibig sabihin nu’n ay seryoso na.

Natawa kami sa isang netizen na humirit na may pagka-John Lloyd Cruz daw ang itsura ni Luckson, tapos ay musician din ito na kagaya ni Carlo Aquino at may hunky body na katulad ni Derek Ramsay.

Ganern? Three-in-one? Pinagsama-sama ang qualities ng mga ex-boyfriend ni Angge?! Ha! Ha! Ha!
Taruzsh! So, sana nga ay siya na ang hinihintay na The One ni Angelica!
PAK!!

Winwyn namaos sa BTS

Ang saya-saya ni Winwyn Marquez dahil natupad na ang pangarap niya na mapanood nang live ang paborito niyang South Korean boy band na BTS (o Bangtan Boys) sa Japan.

Matagal nang pinagplanuhan ni Winwyn ang biyahe na ‘yon, na ang ticket sa “Speak Yourself” concert ay nabili niya sa tulong ng mga kaibigan niyang BTS Army, na tawag sa fandom ng sikat na K-pop group.

May pinost na maiksing video si Wyn sa IG na may hawak siyang BTS Army Bomb (tawag sa light stick ng BTS fans) tapos ay kinikilig sila sa tuwa ng mga kasama niyang Japanese fans.

Solo flight si Wyn doon sa Japan na kahit init, ulan at haggard-an sa biyahe ay deadma siya dahil sa pagmamahal niya sa BTS.

Tweet ng actress-beauty queen, kung saan siya nakaupo ay super strict sa phone. Meron daw dalawang naglabas ng telepono na pinalabas ng venue during the concert, so hindi na talaga siya nag-try.

“But OMG, wala na akong boses. OMG lang,” tweet pa niya.

“No words, guys. No words. I saw them also na malapit as in clear talaga ah, dahil sa sinakyan nila sa last part,” isa pang masayang tweet ni Wyn.

Bet na bet din namin ang BTS at gaya ni Winwyn ay favorite din namin si BTS V (Kim Tae-hyung), so relate kami sa fangirl na fangirl na tweet niya na, “I died. I really died for a moment. I was screaming the whole time then died then nabuhay uli.”

May pa-mini review pa siya sa Twitter na, “K here we go: V’s ‘Singularity’ live is beyoooond wild. He knows his audience. He was literally flirting & teasing with everyone. I died for a moment then came back to life then died again. I was in circles.

“My standards are so HIGH now after w­atching him, Imma be single forever.”

Ganu’n na lang ang ligaya ng Kapuso actress dahil hindi niya raw akalain na natuloy siya sa lakad niya na ‘yon na mag-isa lang siya kaya legit adventure daw talaga ito.

Before this ay nabanggit sa amin ni Wyn na ‘yun ang mga ine-enjoy niya sa pagiging single, nagagawa niya ang mga bagay na katulad nito na first time niyang na-experience sa buong buhay niya.

Before this ay galing siya ng Korea with some friends, pero sa Japan ay solo flight talaga siya.