Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong laya inambus ng tandem

0 272

Patay ang isang bagong layang motornapper makaraang tambangan ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Sitio Poultry, Barangay Magsalisi, Jaen, Nueva Ecija.

Batay sa ulat ni P/Maj. Baltazar Corpuz sa tanggapan ni Mayor Sylvia Austria, nakilala ang pinaslang na si Jose Rilos Bongcayao, 42, binata, at residente ng nabanggit na barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jorge Magtalas na dakong alas-8:00 ng umaga, nagmamaneho ang biktima ng motorsiklo pauwi at sakay ang dalawang nakababatang kapatid na babae at lalaki.

Bigla umanong sumulpot ang dalawang salarin at pinaputukan si Bongcayao na napilitang huminto, bumaba ng motorsiklo at tumakbo.

Gayunman, sinundan siya at pinagbabaril ng mga suspek hanggang mamatay noon din.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa main road ng Barangay Magsalisi at iniwan ang mga nagulantang na kapatid ng napatay.

Idinagdag ni Corpuz na kamakailan lang nakalalaya ang biktima na umano’y nasangkot sa ilang insidente ng motornapping sa nasabing bayan. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.