Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong lover ni girl dinedo ng ex

0 64

Patay ang isang lalaki matapos tagain ng dating nobyo ng kanyang girlfriend sa Davao City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Pumanaw dahil sa tinamong malalim na taga sa katawan si Vergilio Suicob, 38. Naaresto naman ang suspek na si Fel Enlasan, 40.

Sa ulat ni Police Major Bernie Suaga, hepe ng Buhangin Police Station, naganap ang insidente Huwebes ng gabi. Sinundo ng biktima ang kanyang girlfriend sa pinapasukang trabaho.

Nauna nang napansin ng babae na nasa likuran nila ang suspek at nakasunod sa kanila ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Pagsakay sa motorsiklo ay doon na sinugod ng una ang huli at tinaga ito sa likurang bahagi ng katawan gamit ang 16 na pulgadang itak bago mabilis na tumakas.

Naaresto naman ang suspek sa follow up operation ng Buhangin Police Station nito lang Sabado.

Ayon sa suspek, hindi umano niya alam na may bago ng nobyo ang dating nobya. Nang makita niya itong may iba nang kasama ay sumilakbo ang kanyang damdamin kaya nagawa ang krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.