Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong magdyowa wapakels sa PDA

0 200

Kinakabog ngayon ng mga bagong magkarelasyong young actor at young actress ang mga langgam sa sobrang pagiging sweet. Para sa dalawa ay parang sila lang ang nabubuhay na nilalang sa mundo.

Isa lang ang ikinokomento ng mga nakakasama nila, harinawang magtagal ang kanilang relasyon, hindi panandalian lang dahil ganu’n ang nangyayari sa pakikipagrelasyon ng young actress.

Kuwento ng aming source, “Wala silang pakialam sa kanilang mga kaharap, PDA kung PDA sila palagi, kinakikiligan ‘yun ng mga nakakaintindi pero ipinag-aalala naman ng mga manong at manang na nakakakita sa kanila,” unang sultada ng aming source.

Marespeto ang young actor, naging girlfriend nito ang isang young actress na kalaunan ay umalis ng bansa, sa kanyang pagbabalik ay meron na itong anak.

Patuloy ng aming source, “’Yung girl naman, sa umpisa, e, parang pukyutan din kung mag-post tungkol sa lovelife niya. Pero hindi pa man sila nagtatagal, e, marami na siyang kuda!

“Hindi maganda ang paghihiwalay nila ng una niyang boyfriend, pinagbintangan niya ng kung anu-ano ang young actor, ang dating singtamis ng asukal nilang pagmmahalan, e, naging horror na!

“Tapos, nakarelasyon din niya ang isang male personality na kasama niyang bumida sa isang serye. Factory na naman sila ng asukal, sobrang sweet sila, pero anyare?

“Marami na namang kuda ang girl, para siyang nagsusumbong sa mga fans niya, takang-taka ang guy, bakit biglang naging ganu’n ang istorya nila?

“Kaya maraming nag-aalala para sa boyfriend niya ngayon, baka maging horror story na naman ang relasyon nila! Nakakalukring nga naman ang girl na ito, kung ano ang maisipan, basta-basta na lang niya ikinukuda!” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Pero may pahabol na komento ang aming source, “Tingnan natin kung uubra ang kalokahan niya sa mudra ng young actor! Gumawa siya ng kuwento at siguradong makikita ng girl na ‘yan ang ayaw niyang makita kapag tumalak na ang mommy ng young actor!”

SM food to go Banner Ad

Ganu’n!

-o0o-

Ara walang detalye sa kasal

Naka-lock-in ngayon sa taping ng FPJ’s Ang Probinsiyano si Ara Mina. ‘Yun ang dahilan kung bakit nang tanungin namin siya kung kailan ang kasal nila ni Dave Alamarinez ay hindi pa niya masagot.

“Paglabas ko po after ng lock-in, saka pa lang kami magmi-meeting, magtatrabaho po muna ako,” sabi ng maligayang aktres. Dahil kami ang kanyang sinabi ay nagkaroon kami ng ideya na siguro’y kasama na nila ni Dave ang wedding planner nila.

Suut-suot na ni Ara ang 4-karat diamond ring na ibinigay sa kanya ni Dave nang lumuhod ito sa kanyang harapan para kumpirmahin kung pakakasalan niya ito.

Ayon sa aming kaibigang si Tita Rexy Tiangco na nakita na ang singsing ay perfect ang diamond, walang carbon, walang dumi.

Maraming masaya para kay Ara Mina dahil hindi naman lihim sa publiko ang mga pinagdaanan niyang pakikipagrelasyon. Sa pinakadulo pala ng kanyang biyahe ay merong nakalaang lalaking mamahalin siya at bibigyan ng magandang kinabukasan.

Dahil mula sa isang buena familia ang kanyang mapapangasawa at may pinanghahawakan pang magandang posisyon ngayon sa PITC ay may mga taong nam-bash sa aktres.

‘Yun daw naman talaga ang hanap ni Ara, mayaman, ‘yung masusunod niya ang kanyang mga luho. Mabilis na paghusga. Wala naman sigurong babaeng magdarasal para bigyan siya ng asawang nagdarahop, mahirap pa sa daga, walang-wala sa buhay.

Kapalaran na ang humusga, milyonaryo ang mapapangasawa ni Ara Mina, isang lalaking tinanggap ang kanyang nakaraan na gagantihan din niya ng sinserong pagmamahal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.