Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong modus palit ng ‘pastillas’ buking sa Immigration

0 41

Hinuli ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, ang isang babae sa opisina ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano’y paniningil ng P900,000 kapalit ng pagproseso ng pagpasok ng mga Chinese national sa Pilipinas.

Batay sa video ng NBI special task force sa naganap na operasyon, kita ang aktuwal na paghuli sa liaison officer na nakilalang si Vivian Lara na tumanggap ng nasabing halaga bilang bayad umano para sa pagproseso ng visa ng tatlong Chinese.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Lara na empleyado siya ng law office at tumutulong siya sa pagproseso ng visa ng mga Chinese kasama ng isang travel agency. Gayunman, giniit nito na hindi siya konektado sa BI at hindi rin umano siya ang nagdikta ng presyo para sa pagproseso ng visa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na mahigit P500,000 umano ang singil sa bawat visa ng Chinese.

Sa panayam kay NBI task force chief Atty. Gerald Geralde, sinabi nitong kasunod ng pagpuksa sa ‘pastillas’ gang sa mga airport, ito na ang pumalit na modus ng iligal na pagpapasok sa mga dayuhan.

Giniit naman ng BI na hindi nito kinukonsinti ang sinumang tauhan na ginagamit ang posisyon para magsagawa ng scam sa mga dayuhan na naga-apply ng visa. Magiimbestiga na rin umano ito sa nangyaring iligal na transaksyon sa kanilang opisina.

Sa ulat, nilabas din ng Calalang law office ang pahayag na tinatangging empleyado nila si Lara. Wala umano silang kinalaman sa anumang transaksyon nito sa anumang opisina ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.