Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong NCR alert level sa Oct 1 pa anunsiyo

0 88

Nakatakda umanong ihayag ng Department of Health (DOH) ang bagong COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR) sa Oktubre 1.

Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, magdedesisyon sila kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng alert level 4 o ilalagay sa mas mababang klasipikasyon.

Nabatid na sa kasalukuyan nasa moderate risk sa COVID ang NCR.

Ayon sa DOH monitoring, ang mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon ay bumaba na sa 13% sa nakalipas na dalawang linggo.

Gayunman, ang average daily attack rate na nasa 33.98 cases per 100,000 population at ICU utilization na nasa 76.22%, ay nananatiling nasa high risk.

“Kung ito pong mga numerong ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa alert level 4. Subalit ang mga metrics at ating mga numero ay tuloy-tuloy po nating pag-aaralan,” pahayag ni De Guzman sa Laging Handa public briefing. (Juliet de Loza-Cudia)

w

Leave A Reply

Your email address will not be published.