Abante Tonite Interactive

Bagong oportunidad

264

Tuwing papasok ang Bagong Taon, positibo ang pananaw ng lahat.

Tama lamang. Kailangan ng ‘good vibes’. Kailangan ‘positive e­nergy.’

Ang 2019 sa ‘Chinese horoscope’ ay ‘year of the earth pig.’ Ayon sa mga ‘Feng Shui expert’ ang taong ito ay sumisimbolo ng katatagan at mga bagong oportunidad.

Magandang pagkakataon hindi lamang sa personal na pananaw ng mga tao, kundi gano’n na rin sa pakikitungo at relas­yon ng mga bansa sa daigdig.

Sa mga tinatawag na ‘regional observer’ at mga iskolar ng ‘geo-politics’ ang ‘deve­lopment’ o mga pagbabago sa mga ‘major player’ sa daigdig tulad ng Estados Unidos at China at mga kaalyado ng dalawang bansa ay dapat lamang pagtuunan ng pansin.

Halimbawa na lamang ang pinakahu­ling hakbang ng Beijing sa panibagong pagbawas ng taripa na ipinatupad bago magpasko.

Sa kabila ng ‘trade war’ sa Estados Unidos nakuha pa ng China na magpatupad ng karagdagang kabawasang taripa sa 700 pang mga inaangkat ng produkto mula sa ibang bansa.

Noong nakaraang Nobyembre tiyempo sa pagbubukas ng China International Import Expo na ginanap sa Shanghai, China, inanunsiyo ng Beijing ang pagkaltas ng ‘taripa’ sa 1,585 mga produkto na ga­ling sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.
Nakita ng China na walang patutungu­nguhan ang pagkakaroon ng ‘trade war’ sa Estados Unidos. Kailangan matugunan nito ang tinatawag na ‘domestic consumption’ ng mga Tsinoy na ang ‘spending capacity’ ay tumaas sa nakalipas na halos 50 taon.

Kahit mayroong digmaang pangka­lakalan ang Tsina sa Estados Unidos, binuksan naman nito ang merkado sa ibang bansa para sa mga produktong kailangan ng mga mamayang Tsino.

Dahil bibili ang Tsina ng mga produkto mula sa ibang bansa, tulad ng mga produktong agrikultural, malaking pakinabang ito sa mga kalapit bansa tulad ng Pilipinas. Gagalaw ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.
Dapat lamang ma­ging handa ang ating magsasaka. Kaya naman napapanahon ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa Belt and Road Initiative. Ang pondong papasok ay magagamit sa pagtatayo ng mga imprastruktura na malaking tulong sa pagbiyahe ng mga kalakal ng mga magsasaka.

***

Sa ngayon na­ngungunang ‘trading partner’ ng Pilipinas ang China kasama ang Hongkong. Sumunod ang Estados Unidos, Singapore at Japan. Hindi dapat magpaapekto ang Pilipinas sa anumang ‘hidwaang kalakalan’ mayroon ang China at Estados Unidos.

Ang tinatawag na ‘reform at opening up policy’ ng Beijing ay dapat lamang samantalahin ng Piipinas lalo na sa usapin ng kalakalan at iba pang pagtutulungan na kapaki-pakinabang.