Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong panganak pinaanod sa kanal

0 43

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa agarang pagkilala sa isang walang pusong mga magulang na nagtapon at ipaanod sa kanal ang bagong silang na sanggol sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng tinatayang nasa pitong buwan na nakabalot sa plastic at inaanod sa irrigation canal sa Barangay San Julian.

Sa salaysay ni Winifredo Gile, isang plastic bag ang kanyang nakita na inaanod sa irrigation canal na naglalaman ng hindi pa batid na bagay kaya pinakiusapan niya ang kapitbahay na si Crisanto Bubio na sungkitin ito upang makita.

SM food to go Banner Ad

Nagulat na lang ang dalawa nang bumulaga sa kanila ang bangkay ng lalaking sanggol at nakakabit pa ang pusod nito.

Teorya ng pulisya, posibleng ipinalaglag o kaya ay patay na nang iluwal ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.