Abante Tonite Interactive

Bagong pantasya ng bayan

By
4,602

Ginugulat ngayon ni Barbie Imperial ang mundo ng Instagram sa unti-unti niyang pagpapasilip ng kanyang sariwang alindog.

Tila, kumbinsido na si Barbie na yakapin ang kanyang kaseksihan at ipangalandakan sa buong mundo ang kanyang physical assets.

Nabulabog ang socmed sa la­test na pagpapa-sexy ng leading lady ng “Araw Gabi”.

Noon, tinatakpan niya ang kanyang pagsi-swimsuit, pero ngayong nakabalandra na sa kanyang wall ang kanyang katawan na walang anumang tumatakip sa two-piece swimwear niya.

Humanga ang mga netizen sa kaseksihan ni Barbie pati ang ilan niyang mga kasamahan sa ABS-CBN dahil sa mga physical asset niya.

Parang isang makinis na labanos ang kutis ni Barbie. Kahit gamitan pa ng microscope ang balat niya, walang makikitang anumang tsismis sa balat.

Sa murang edad kakikitaan na ang Kapamilya star ng potential na maging “Pantasya ng Bayan”.

Kung totoo man ang tsismis kina Barbie at JM, hindi naman ito kataka-taka.

Sa ganda at kaseksihan ni Barbie, walang lalake ang hindi sasambahin ang kanyang alindog.