Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong PCSO game: P99 taya panalo ng P1B

0 82

May niluluto na bagong palaro ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na siguradong tatangkilikin ng publiko kung saan mananalo ng P1 bilyon ang suwerteng mananaya sakaling tamaan ito.

Sa press conference kahapon ng hapon sa punong tanggapan ng ahensiya sa Mandaluyong City, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na malapit na nilang ilunsad ang bago larong `Win a Billion Lotto’ kung saan puwedeng Manalo ang suwerteng mananaya ng tumatagingting na P1 bilyon piso sa P99 nilang taya.

Ayon kay Garma, dapat sana ay noong Disyembre 2020 pa nila ito inilunsad subalit nagkaroon ng ilegang `legal matters’ kaya naurong ito ng ilang buwan.

Sa ngayon, ani Garma, kaunting pagsasaayos na lang ang kanilang ginagawa at handa nang ilunsad ang pinakabonggang palaro ng PCSO.

Wala pang sinabi si Garma kung paano ang sistema ng pagtaya sa `Win A Billion Lotto’. Hindi pa rin inilahad ni Garma kung ilang numero ang tatayaan sa nasabing bagong palaro basta ang sinabi lang nito ay malapit nang ilunsad ng PCSO. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.