Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong record! COVID sumirit lagpas 28K

0 164

Nakapagtala uli ng record high na 28,707 mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon.

Dahil sa mga nadagdag na bagong kaso, sumampa sa 2,965,447 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas.

Mas mataas ito sa dating record high na 26,303 na naitala noong Setyembre 11, 2021.

Nasa 2,579 naman ang bilang mga pasyente na bagong gumaling kung kaya’t umabot na sa 2,785,183 ang mga nakarekober matapos dapuan ng coronavirus.

SM food to go Banner Ad

May 15 pasyente naman ang naitala na bagong nasawi. Sa ngayon, nasa 52,150 na ang kabuuan ng mga namatay dahil sa COVID.

Samantala, patuloy ang pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID sa bansa matapos na maitala ito kahapon sa bilang na 128,114 o 4.3% ng kabuuang COVID case.

Malaki ang itinaas ng mga aktibong kaso ng COVID dahil 102,017 ang bilang nito sa datos na inilabas ng DOH noong Sabado, Enero 8. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.