Abante Tonite Interactive

Bagong reklamo sa ICC laban kay Duterte, minaliit

By
821

Walang kapupuntahan ang reklamong inihain sa Internatio­nal Criminal Court (ICC) ng pamilya ng mga biktima ng napatay sa iligal na droga laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ikalawang rekla­mong inihain sa ICC laban sa Presidente.

Ayon kay Roque, hindi ito matatawag na reklamo kundi “communication” lang at wala itong ibig sabihin dahil maski ang Santo Papa ay mayroong communication na isinampa laban sa kanya.

“That’s not a complaint; that’s a communication because it’s still to be acted upon by the ICC. Procedure is different. Anyone can file communication. Even the Pope has a communication filed against him. So that doesn’t mean anything,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na hindi magtatagum­pay ang inihain ng pamil­ya ng mga biktima dahil hindi ito gagalaw hangga’t hindi napapatunayan na walang magagawa dito ang mga lokal na korte.

“My fearless prediction is, it will not prosper dahil doon sa konsepto ng complimentarity. Hindi po dapat gu­malaw ang ICC unless local courts have proven to be unable or unwilling to exercise jurisdiction on these complaints,” dagdag pa ni Roque.