Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong rekrut na lady NPA bulagta

0 299

Patay ang isang 21-anyos na bagong recruit na miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos masawi sa sagupaan sa pagitan tropa ng mga sundalo at rebelde, kamakalawa sa Kananga, Leyte.

Kinilala ng Kananga town police ang nasawing bagong NPA recruit na si Rochelle Mae Bacalso, miyembro ng Sub-Regional Committee Levox, Eastern Visayas Regional Party Committee, Communist Party of Philippines (CPP).

Naganap ang sagupaan sa may Mahawan alas-3:35 Biyernes ng hapon nang tangkain umanong ambusin ng mga rebelde ang nagpapatrulyang sundalo ng Philippine Army’s 93rd Infantry Battalion na nakatanggap ng report na may mga rebelde sa lugar.

Nasabat mula sa mga rebelde ang Austrian-made Glock pistol, bandolier ng M16 magazines, magazine ng M16 rifle na may 29 piraso ng bala ng caliber 5.56, backpack na naglalaman ng mobile phone, apat na hammocks, poncho tents at subersibong dokumento.

Nabatid na ang nasawing NPA ay kaka-recruit pa lang nung September na sumapi sa NPA lider na si Juanito Selleza, alyas Tibor. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.