Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong rookie record: Mikey paulan ng 10 tres

0 219

NASAYANG ang itinala na ilang bagong record ni 2021 PBA fourth pick overall Mikey Williams sa nalasap na 98-106 na kabiguan ng TNT Tropang Giga sa Game 3 ng ginaganap na PBA 46th season Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga kagabi.

Umiskor ng career-high ang super rookie na si Williams ng kabuuang 39 puntos kasama ang bagong record para sa isang rookie na most three points pati na sa isang kampeonato sa pagtatala nito ng 10-of-18 sa three-point line.

Nagdagdag din ito ng isang rebound at dalawang assists.

Mayroon naman ang TNT ng kabuuang 15 napasok na tres sa 45 attempt kung saan 10 dito ay mula kay Williams.

Ang 10 tres ni Williams ay tumabon sa record para sa isang rookie na nagawa ni third overall rookie pick na si Calvin Oftana ng NLEX sa eliminasyon ng torneo.

SM food to go Banner Ad

Nabura ni Oftana ang isa sa PBA records na dating bitbit ni Allan Caidic sa pagpasok sa walong tres sa nagawa nito na 34-puntos na paglalaro sa laban nito kontra Meralco.

Tinabunan naman ni Williams ang kanyang katatala lamang na personal playoff-high na 28 puntos sa panalo ng Tropang Giga sa Hotshots noong Game 2 kung saan itinala ng koponan ang 2-0 abante sa best-of-seven na laban.

Itinala din ng Tropang Giga sa pagpasok ng 10 tres sa opening quarter at tatlo sa second period ang record sa most three-pointers na nagawa sa first half ng PBA finals noong Game 2.

Ang kabuuang ipinasok nitong 15 sa Game 3 ay ikalawang pinakamarami ng isang koponan sa kampeonato. Una na nagtala ang TNT ng 17 sa 40 nitong tangka noong Game 2. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.