Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong SC Justice Rosario dating sikyo

0 153

Nanumpa kahapon kay Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta si Associate Justice Ricardo Rosario, bilang ika-189th Associate Justice sa ginanap na En Banc Session.

Nabatid na bago naging isang ganap na abogado ay naging mensahero muna siya sa Employees’ Compensation Commission nòong 1976 at naging Security Guard sa Office of the Government Corporate Counsel noong 1977 habang nag-aaral ng Bachelor of Arts in Political Science sa Far Eastern University hanggang sa ma-promote siya sa clerk position.

SM food to go Banner Ad

Naging inspirasyon ni Rosario ang kanyang amang abogado na si Eduarso kaya kumuha siya ng law sa Ateneo University School of Law mula 1979-1983.

Sa buong panahon ng kanyang career ay iginugol niya sa gobyerno kung saan ang kanyang unang trabaho bilang abogado ay sa Legal Department ng National Bureau of Investigation bilang Legal Officer.

Nang maging Corporate Attorney sa Manila Waterworks and Sewerage System from mula 1986 – 1994 at na appoint bilang Assistant City Prosecutor sa Quezon City noong Marso, 1994 at noong 1997 ay naging Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court of Manila, Branch 19, at naging Presiding Judge ng Regional Trial Court of Makati City, Branch 66, hanggang ma-promote sa Court of Appeals kung saan nagsilbi siyang Associate Justice noong Setyembre 2005 at nagsilbi ng may 15 taon bago naitalaga sa SC. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.