Abante Tonite Interactive

Bagong serye ni Ha Ji Won hindi normal sa K-drama

By
2,760

Tiyak na matutuwa ang mga tagah­nga ng pinakasikat at mahusay na aktres ng South Korea na si Ha Ji Won.

Bukod kasi sa ginagawa niyang variety show, ang Galileo: Awakened Universe ng tvN, kinumpirma rin kahapon ng production ang sisimulan niyang bagong Korean television drama, ang ‘Prometheus’.

Gagampanan ni Ha Ji Won ang karakter ng isang Intelligence Officer na nag-undercover mission para sa denuclearization ng North Korea. Ang ‘Prometheus’ ay isang klase ng spy/action/thriller drama na hindi normal o regular na napapanood sa mga South Korean drama.

Noong isang taon pa nababalita ang tungkol sa drama na ito. Nabanggit na rin ang pangalan ni Ha Ji Won, pero wala pang kumpirmasyon. Although sa lumabas sa soompi.com, ang production pa lang din ang nagkumpirma, wala pa sa mismong agency ng aktres.

Katulad ng ibang mga Korean drama ngayon, lagpas sa 20 billion won ang budget. Maihaha­nay ang budget nito sa ipalalabas na ‘Mr. Sunshine’ ng tvN at ang ka­salukuyang ginagawa na ‘Vagabond’ ng SBS. Ang ‘Prometheus’ ay nasa 26 billion won din ang sinasabing production budget. Na bukod sa South Korea, may limang bansa pa raw na magiging location ng drama.

Kilala si Ha Ji Won bilang isa sa iilang Korean actress na magaling sa action bukod sa husay sa pag-arte. Kaya naman mas lalong nakadagdag sa anticipation ng mga nag-aabang na sa drama na ito ang kumpirmasyon na tinanggap na ni Ji Won ang role.

Nakasaad din sa lumabas sa soompi.com, “Actress Ha Ji Won has been confirmed to play the role of Chae Eun Seo, an intelligence officer who leads Team 2 towards North Korea. From even the beginning stages of the production of the drama, we made the character while thinkin­g of Ha Ji Won, so her image­ remains intact in the character. We ask for the support and interest of the viewers.”

Masasabi rin na napapanahon o timing ang kuwento ng ‘Prometheus’ dahil sa nangyari sa 2018 North Korea-United States and South Korea-North Korea summit.

Ayon pa sa staff, “We worked on the planning and scriptwriting of the drama for around two years. Casting for actors that fit the characters well is in progress. We hope people will look forward to the cast line-up on top of the great casting of Ha Ji Won for ‘Prometheus.’ We will work hard to introduce a solid and new drama.”

Naka-schedule na ipa­labas ang ‘Prometheus’ sa pagtatapos ng taong 2018 sa KBS.