Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong show ng KathNiel binuking ni Dennis

0 147

Bagamat wala pang anunsyo, nabisto ang bagong show nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Base sa panayam kay Dennis Padilla sa “Showbuzz” ni Papa Ahwel Paz, sinimulan na ang taping.

Ito na ba ‘yung sitcom na tinutukoy ni Kathryn? Si DJ na ba ang makakasama niya na hindi nababanggit nu’ng una? O, isang teleserye ang ginagawa nila?

Si Herbert Bautista raw ang gaganap na ama ni Kath at si Dennis naman ang magiging tatay ni Daniel.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Join din si Ruffa Gutierrez sa nasabing show.

Ikatuwa kaya ng production na di sinasadyang ibuking ni Dennis ang detalye sa KathNiel show.

Sey pa niya tatlong araw na silang nagti-taping. Naka-lock in sila. Sumailalim din sila sa swab test bago mag- umpisa . Kailangan din magpa-swab test sa kalagitnaan ng taping days at swab test pa rin pag natapos na ang buong shoot.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.