Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong strain ng swine flu puwedeng maging pandemic

0 300

Ibinulgar ng mga researcher ng U.S. science journal PNAS na may nadiskubreng isang bagong type ng swine flu na may kakayahan na magpaigting ng isang pandemic.

Nakilala umano ito na G4, na kahanay ng H1N1 strain na naging dahilan ng pandemic noong 2009.

“All the essential hallmarks of being highly adapted to infect humans,” ito ang nabatid sa pag-aaral ng mga authors, scientists at Chinese universities ar China’s Center for Disease Control and Prevention.

Nabatid na mula 2011 hanggang 2018 ,kumuha ng 30,000 nasal swabs mula sa mga baboy nasa slaughterhouse sa may 10 lalawigan sa China at veterinary hospital, kung saan pinayagan na ma-isolate ang may 179 swine flu viruses.

Naobserbahan na mayorya ang kinakitaan ng bagong uri at nagpatuloy sa mga baboy mula noong 2016.

Nagsagawa rin ng maraming experiment, ang mga researcher kabilang na sa ferrets na ginamit sa pag-aaral sa flu,dahil sila ay nakaranas na katulad na sintomas sa tao, gaya ng lagnat,ubo at sipon.

Nabatid na mataas ang impeksiyon ng G4 at ang mga taong na expose sa seasonal flu ay walang proteksiyon sa G4.(Juliet de Loza-Cudia

Leave A Reply

Your email address will not be published.