Abante Tonite Interactive

Bagong traffic czar sa EDSA itinalaga

By
550

May bago nang traffic manager ang EDSA.

Ito ay matapos ianunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakatalaga kay Task Force Special Operations Chief Bong Nebrija bilang bagong traffic czar sa EDSA, na idineklarang “traffic discipline zone.”

Pinalitan nito si outgoing Chief Traffic Inspector Rodolfo Calpito, head ng EDSA Special Traffic and Transport Zone, dahil magreretiro na ito nga­yong buwan.

Abante Hiring – IT dep

“Starting Monday, Mr. Bong Nebrija will have a new big role – managing traffic along EDSA. Bong is a big loss to the task force but we need the kind of personality that he has on how to discipline road ­users and inspire traffic enforcers along EDSA,” ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia.

Si Nebrija na ang may “full authority” na may kaugnayan sa engineering ng EDSA.

Nangako naman si Nebrija na mahigpit niyang ipatutupad ang batas ­trapiko lalo na sa EDSA.

“There is no magic here. It is not an easy task but we are not backing up on the assignment given to us,” sabi pa ni Nebrija.