Abante Tonite Interactive

Bagong traffic scheme sa SLEX

330

Ngayong araw uumpisahan ng San Miguel Corp. ang bagong traffic scheme sa South Luzon Expressway.

Sabi ng SMC, isasara nito ang elevated on and off ramp ng Skyway galing Alabang-Zapote road mula Lunes hanggang Sabado mula 6:00am hanggang 8:00am para magamit lahat ng lanes ng mga northbound vehicles. Mula 4:00pm hanggang 9:00pm naman, isasara ang rampa sa northbound traffic para magamit ng mga South bound vehicles lahat.

Para sa mga sasakyang northbound sa Skyway sa schedule na sarado ito, sa rampa bago mag-Sucat sila dadaan. Para sa mga sasakyang southbound sa schedule ng sarado, kailangan nilang gamitin ang bagong rampa na manggagaling sa Alabang viaduct. Ang mga sasakyang papuntang Alabang o Alabang Zapote road ay maaring lumabas sa Filinvest toll plaza.

Sabi ng SMC, patuloy nilang inaayos ang daloy ng traffic sa lugar na lumuwang na simula noong December 1 nang nagbukas ito ng mga bagong lanes papuntang Skyway mula Alabang viaduct at Alabang-Zapote road. (Eileen Mencias)