Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong variant mabilis kumalat sa hangin

0 569

May bagong variant ng COVID-19 na nadiskubre sa Vietnam na mabilis umanong kumalat sa hangin.

Ang bagong variant ay may katangian ng pinagsamang United Kingdom at Indian variant.

Kinumpirma ito ni Vietnamese Health Minister Nguyen Thanh Long nitong Sabado, kung saan tinawag nilang ‘hybrid’ ang nasabing variant.

“We have discovered a new hybrid variant from the Indian and the UK strains,” pahayag ni Long.

“The characteristic of this strain is that it spreads quickly in the air. The concentration of virus in the throat fluid increases rapidly and spreads very strongly to the surrounding environment,” dagdag pa niya.

Hindi naman ibinunyag ng opisyal kung ilang katao ang nakitaan nila ng nasabing hybrid variant.

Bago ito madiskubre ay may pitong COVID variant na ang nakapasok sa bansa.

Mula noong Abril ay mahigit 6,700 kaso ng virus ang naitala sa Vietnam, kung saan 47 ang namatay. Nasa isang milyong katao pa lang ang nababakunahan sa naturang bansa. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.