Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagong virus sa China, kumakalat

0 1,051

May 7 katao na ang nasawi habang 60 iba pa ang nagkaroon ng bagong infectious disease na nagmula sa mga maliliit na insekto o tinawag na `tick-borne virus’ sa China.

Sa ulat, ibinabala rin ang posibilidad na “human to human ” transmission.

Nalaman sa Global Times, na may 37 katao sa Jiangsu, East China, ang nagkaroon ng Severe fever with thrombocytopenia syndrome (SFTS) Virus nitong Enero hanggang Hunyo, 2020.

Habang 23 katao naman ang nagkaroon ng SFTS sa Anhui, Province .

Isang babae mula sa Nanjing, capital ng Jiangsu, ang dinapuan ng virus kung saan kinakitaan ito ng sintomas gaya ng lagnat, ubo, kinakitaan rin ng doktor ng pagbaba ng leukocyte, blood platelet ang kanyang katawan matapos ang may 1 buwan gamutan ay pinalabas na rin sa hospital ang babae.

Ang pito sa nasawi ay mula sa Zhejiang province dahil sa virus.

Nabatid na ang SFTS Virus ay hindi bagong virus at nagkaroon na ng “isolated pathogen ” ng virus nitong 2011 kung saan kabilang ito sa Bunyavirus category.

Naniniwala ang Virologists na ang infection ay maaring maipasa sa humans ng mga `ticks’ (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.