Abante Tonite Interactive

Bagong Vitas slaughterhouse itatayo

222

Sisimulan na sa lalong madaling panahon ang pagpapatayo ng bagong slaughterhouse compound sa Vitas, Tondo, Maynila.

Nabatid na isinagawa kahapon ang groundbreaking ceremony para sa konstruksiyon ng bagong slaughterhouse compound sa pangunguna nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Kasunod nito, pinirmahan ni Moreno ang regularization paper ng pitong job order personnel na may pito hanggang siyam na taon nang nagtatrabaho sa Vitas slaughterhouse. (Juliet de Loza-Cudia)